Alden keber na bokya sa Valentine’s Day

RODEL FERNANDO:Aminado si Alden Richards na hirap na hirap sa new set up ng mga live show ngayon.

Hinahanap niya kasi ‘yung dati na nakakasama at nakakausap niya nang malapitan ang mga contestant lalo na sa programa nilang Centerstage. Isa pa, nami-miss din niya ‘yung may interaksiyon sa mga manonood. Tulad ng hino-host niyang Eat Bulaga ay wala ring live audience ang talent search program para sa mga Bulilit. Bagay na ikinalulungkot niya. Mabuti na lang at kahit iba na ang set up ay makakasama niya muli ang mga bata.

“Siyempre being with the kids as the host, I get to know their stories, what drives them to showcase their talents on TV. Ang sarap din kasing makarinig ng iba’t ibang story ng mga bata kasi naaalala ko dati ‘yung journey ko noong nagsisimula ako. I share the same sentiments and the same dreams with them when I was young,” sambit niya.

ROMMEL PLACENTE:Bukod sa pagiging artista at singer,kilala na rin si Alden Richards bilang isang host. Una siyang sumabak sa pagho-host sa ‘Bet ng Bayan’ with Regine Velasquez nu’ng 2014. Nasundan ito sa ‘Eat Bulaga,’ ‘Sunday Pinasaya’ atbp.

At sa All Out Sundays, ay isa siya sa host dito. Sa tanong kay Alden,if what kind of host siya at kung paano niya gustong makilala ng viewers, ang sagot niya,”Siguro po ako,parang..I really adopt kung nasaan po.akong show. Depende po kung anong show ang pinagho-host-an ko.Let’s say, iba po ‘yung hosting pagdating sa All Out Sundays. Iba ‘yung hosting pagdating sa Eat Bulaga. Iba rin po ‘yung hosting pagdating sa Centerstage. Same thing sa acting po,para hindi tayo boring, kailangan magkaroon ng variation ‘yung hosting skills natin in different shows.” Patuloy niya,”Adjust-adjust din po para at least hindi lang iisa ‘yung hosting ko na nakikita ng mga audience. Kailangang iba -iba pong timpla ng hosting ang ipapakita ko sa mga shows ko sa halos sraw -araw.”

In fairness ke Alden,mahusay siyang host,huh!

MILDRED BACUD: Nang tanungin si Alden kung ano ang plano niya sa 2021, sagot niya sa interview niya sa press people ay gusto pa rin daw niyang mag-pursue sa career in terms of acting, “Gusto ko pa ring mag-focus like kung magkaroon ng offer with international movie outfit kino-consider ko ‘yan but for now yung mga gagawin ko muna locally, tv series, movies, Sunday show at saka Centerstage. Sa pagkakaroon ng 3 shows at may gagawin pang movie, pilit daw binabalanse ng aktor ang kanyang time. Time management ika nga pero aminado siya na mahirap.Dahil kasi sa pandemya ay niri-require ang mga lock in tapings. So yun daw ang challenge pero kinakaya pa rin.

Kahanga hanga nga ang pagiging workaholic ni Alden mga ka-Cuatros. Kahit mahirap magwork sa new normal ay nag-aadjust sya.
Napaka-productive din niya ha kasi kahit nu’ng kasagsagan ng pandemic ay kumikita siya sa pagiging gamer at the same time ito rin kasi ang hobby niya. Ang kaabang- abang talaga ay ang pelikulang gagawin nila ni Bea Alonzo.

ROLDAN CASTRO:Tambak ang trabaho ni Asia’s Multimedia Star kahit pandemya.

Tinanong namin siya kung naghahabol ba siya ng ka-date sa nalalapit na Valentine’s Day.

“Parang ngayon doon muna ako sa puwede kong gawin,” pakli ng ‘Centerstage’ host.

Focus muna siya sa mga project na gagawin niya.

Ang isang sure ay magkakaroon si Alden ng teleserye ngayong 2021.

Kinu-consider din niyang gawin ‘yung mga project sa international outfit kung may opportunity na darating.

Babalik na ang ‘Centerstage’ sa February 7, 7:40 PM sa GMA-7.

Talbog!

The post Alden keber na bokya sa Valentine’s Day first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments