Sa walang kasiguruhan sa kapalaran ng ASEAN Basketball League (ABL), dumarami ang naglulundagang player nito sa paglundag sa Online 36th Philippine Basketball Association (PBA) Rookie Draft 2021 sa darating na March 14.

Pinakabagong kumalas sa pakikipag-alyansa sa regional league at nagsumite ng application form nitong Huwebes kasama ang kanilang agent-manager na si Charlie Dy sina Andrei Caracut at Tzaddy Rangel ng kapwa San Miguel Alab Pilipinas.

Palista rin si Jun Bonsubre na nasa stable rin ni Dy.

Naglaro ng minimal minutes sina Caracut at Rangel sa Alab sa 10th ABL 2019-20 noong isang taon bago nahinto ang liga sanhi ng Covid-19 pandemic.

Pumoste ang 5-foot-11 na si Caracut ng 9.6 points, 4.1 assists, at 3.0 rebounds sa huli niyang taon sa La Salle Green Archers sa 82nd University Athletic Association of the Philippines (UAAP) men’s basketball tournament 2020

May average naman ang 6-7 na si Rangel na 11 markers at 7.0 boards sa final year din niya sa National University Bulldogs sa UAAP 2020 rin.

At nag-Maharlika Pilipinas Basketball League (MPBL) si Bonsubre sa Mandaluyong El Tigre at sa Zamboanga Family’s Brand Sardines. (Lito Oredo)

The post Caracut, Rangel sokpa sa draft first appeared on Abante Tonite.