Maayos na raw ngayon ang relasyon ni Ellen Adarna sa kanyang ex-boyfriend na si John Lloyd Cruz.
Kaya naman naging mas madali na para sa kanila ang maging co-parents sa anak nilang si Elias.
Pero inamin ni Ellen na maaaring siya ang dahilan kung bakit hindi nag-work ang kanilang relasyon.
Ito ay matapos na dumanas si Ellen ng matinding depresyon pagkapanganak niya kay Elias.
“Because I had so many issues na hindi pa na-resolve, I was projecting it on him,” pahayag ni Ellen sa kanyang panayam sa Preview.ph.
Si Ellen ang featured celebrity ng Preview ngayong January 2021.
Pagkatapos dumaan ni Ellen sa isang healing program, mas naging maayos na ang pakikitungo nila ni John Lloyd sa isa’t isa.
Patuloy ni Ellen, “Now I’m in a very good place. I can say I’m 100% okay. I feel my environment changed.
“Like his approach to me, my relationship [with him has] changed without asking him to change. So I was just really the problem. How I viewed it, my thinking pattern was the problem.”
Si Elias din daw ang pinakamalaking dahilan kung bakit ginusto ni Ellen na i-resolve ang issues niya, lalo na kay John Lloyd.
Sabi ni Ellen, “My son needs him as much as he needs me. I see their relationship, and I see how happy my son is when he is around. So that’s why I also have to work on myself.
“Because when I had my issues with JL, ‘Okay, if I don’t allow my son to see his father, how will I tell him [it’s] because I had animosity towards [his] father?’ Damay pa yung bata sa mga issues ko.”
August 2019 nang unang napabalitang nag-break na sina Ellen at John Lloyd, subalit wala pang kumpirmasyon sa pagitan ng dalawa noong mga panahong ito.
Noong April 2020 nakumpirma ang kanilang hiwalayan nang magkuwento si Ellen tungkol sa kanyang non-showbiz boyfriend.
Ibinahagi rin ni Ellen ang co-parenting set-up nila ni John Lloyd, kung saan nakakasama ng aktor ang kanyang anak twice a week.
GOING THROUGH DEPRESSION
Ayon kay Ellen, dumanas siya ng matinding depresyon pagkapanganak niya kay Elias noong 2018. Tumagal daw ito nang dalawang taon.
Nagpatung-patong kasi ang pinagdaanan ni Ellen noon. Bukod sa postpartum depression, namatay ng ama ni Ellen na si Alan.
Saad ni Ellen, “I’m the only girl and I lost an anchor. Me and my dad, we had a weird but good relationship—tough love, but father pa rin.”
Ito rin ang panahong nagkakaroon na ng problema ang relasyon nila ni John Lloyd.
Pag-amin ngayon ni Ellen, “You know, we weren’t compatible, obviously, that’s why we broke up. Of course, any normal breakup hurts. You want things to work.”
Upang tuluyang maghilom ang kanyang pain, dumaan sa counseling si Ellen.
Nang hindi bumuti ang kanyang kalagayan, sumali si Ellen sa isang healing program na tinatawag na KoKoro Program sa Bali, Indonesia.
March 2020 nang unang ibahagi ito ni Ellen sa kanyang followers sa Instagram, kung saan sinabi niyang siya ay “stuck in this black hole for almost 3 years.”
Sa tulong ng healing program, nagsimulang bumuti ang kalagayan ni Ellen.
Sa kasalukuyan, mas maayos na raw ang pag-handle ni Ellen sa kung anumang problema ang dumating sa kanya.
Kuwento niya sa Preview.ph, “In the past, I would react very quickly or violently or without thinking. Now, I still feel [the emotions], I’m still human, but I’m better at reacting. I manage it well na. I think I’ve zenned it out.
“I can identify when an emotion is coming: like what am I feeling, how am I feeling, why am I feeling this? If I react like this, what’s the outcome. So that’s all being calculated already. And ever since I had that kind of thinking, things have been so smooth.”
[ArticleReco:{"articles":["149392","150091","150163","151099"], "widget":"Hot Stories"}]
Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika
0 Comments