MILDRED BACUD: Nag-uumpisa na bang magpaalam sa ere ang mga shows sa TV5? Nito lamang January 8 ay nagpaalam ang morning show nina Pokwang, Pauleen Luna at Ria Atayde, ang Chikabesh. Last August lamang ito nagsimulang umere.
Pero teka di ba kakadagdag lang ni DJ Jai-ho as one of the hosts? Tsugi na rin sa ere ang Usapang Real Life ni Luchi Cruz Vades at ang seryeng I Got You nina Beauty Gonzales, Raymond Bagatsing at Jane Oineza na last October lang nag-start.
Hindi yata magandang kaganapan ito. Nakakalungkot kasi na mahina pa rin daw sa ratings ang mga shows ng Kapatid network. Ano nga ba ang kulang sa mga programa ng TV5? Partida nga dapat na sarado ang ABS-CBN at blocktimer lamang sila sa A2Z. Ibig sabihin lamang sinundan pa rin ng viewers ang Kapamilya maging sa digital platfroms. Parang tingin ko nga mga ka-Cuatros mula nang magsara ang Kapamilya marami na rin ang nasanay mag-watch sa digital platforms.
Ito na ang pinakamalaking tanong nga paano kung ang matsugi na mga shows ay karamihan dating Kapamilya stars? Paano rin kung this year ay makabalik ang ABS- CBN? May babalikan pa bang tahanan ang mga dating Kapamilya?
ROMMEL PLACENTE: ‘Yan nga ang malaking tanong ka-Cuatros na Mildred,paano kung nakabalik na sa ere ang ABS-CBN 2, kunin pa kaya nila ang mga dating talents nila na umalis sa kanila? Gaya nina Beauty Gonzales at Jaine Oineza na tsugi na nga sa ere ang serye nila sa TV5, at hindi pa napapabalita kung bibigyan uli sila ng show nito.
Sabi nga ni Ogie Diaz sa kanyang Youtube channel,kung makakabalik sa ere ang Dos,na mabibigyan uli ito ng prangkisa,pwedeng kunin uli nila ang mga artista nila na nagpaalam sa kanila ng maayos na lilipat sa ibang istasyon.
Pero ‘yung iba ay tumatak sa kanila,meaning,masama ang loob nila sa pag-iwan sa kanila ngayong down sila.
E,sino naman kaya ang mga dating nasa kuwadra nila na tumatak sa kanila? Kasama na kaya diyan sina Pokwang, Piolo Pascual at Maja Salvador? (Ang alam ko maayos na nagpaalam si Pokwang-ED).
Abangan na lang natin sa pagbabalik ng Dos kung sino-sino nga ba ang tumatak sa kanila na hindi na nila bibigyan ng show ?
Pero alam ninyo mga ka-Cuatros,nakakalungkot lang isipin na hindi nagri- rate ang ilang mga shows ng TV5 kaya isinara na nila ito.Kung tutuusin,magaganda naman ang mga programa nila. Ano nga ba ang kulang at hindi ito masyadong tinatangkilik ng televiewers na naging dahilan para tsugiin ito sa ere?
RODEL FERNANDO: In fairness, magaganda pa naman ang mga show na ‘yan pero ganoon talaga .Kapag hindi nagre-rate ay wala nang magagawa kundi tsugihin na lang. Sa true lang, lahat ng mga bagong show ng TV5 ay hindi ko man lang nasisilayan sa mga inilalabas na ratings ng AGB Nielsen NUTAM.
Nitong December 25 ay naglabas ang naturang ahensya ng Top 20 program na nagre-rate. Wala man lang show na nakapasok ang TV 5. Ibig sabihin kahit nawala na ang ABS-CBN ay hindi pa rin sila pinapanood ng nakakarami.
Nalungkot naman ako nang makita ko na nasa pang-20 position ang “Its Showtime” na dating namamayagpag noong nasa Kapamilya Network pa.
Sabagay, ok na rin ito dahil ibig sabihin kahit nasa A2Z channel na siya ay may mga nanonood pa rin kumpara naman sa mga ibang show.
ROLDAN CASTRO :Di ba karamihan ay one season lang naman talaga ang buhay ng isang show. Umaabot lang sila ng 13 weeks then papalitan na.
Pero tanggapin natin ang katotohanan na kulang sa ingay ang mga shows ng TV5. Kung hindi nga sinabi ni Ka-Cuatros Mildred na tsugi na ay hindi ko mamalayan.
Dapat siguro dagdagan ng TV5 ang promo ng kanilang mga shows. Sipagan din ng mga blocktimer produ na umingay ang kanilang programa.
Sa true lang, mas matunog pa ang mga bagong show ng Net 25 kesa sa TV5.
‘Yun lang naman!
0 Comments