Isa-isa nang nagtatalunan ang nasa Gilas Pilipinas cadet pool kung saan huling nagdesisyon na sumali Virtual 36th Philippine Basketball Association (PBA) Rookie Draft 2021 sa March 14 si Jaydee Tungcab.
Nagpasyang mag-Cadet ang 23-year-old, 6-foot-2 guard mula sa University of the Philippines Fighting Maroons, makaraan ang 82nd University Athletic Association of the Philippines (UAAP) 2019-20 (surpresang lumundag mula sa Gilas Pilipinas pool matapos ang paglalaro para sa Fighting Maroons.
Ang pagtaas ng bilang ng aplikante mula sa cadel pool para sa unang aktibidad ng pro league ang nagbadya na muling magkaroon ng isang special Gilas draft bukod sa regular draft.
May average si Tungcab na 1.3 point, 1.1 rebounds at 6.3 minutes UAAP. Nakapag-Batangas Tanduay Athletics din siya sa Maharlika Pilipinas Basketball League (MPBL) kung saan may 3.5 pts., 2.3 boards, at 1.0 assist sa 14.2 mins. per game. (Lito Oredo)
The post Tungcab talon sa Draft first appeared on Abante Tonite.
0 Comments