Vaccine procurement tutukan

Habang abala ang ilang local government units sa Metro Manila sa paghahanda para sa pagdating ng COVID-19, ang mga opisyal ng Caloocan city government ay patuloy naman ang girian sa gitna ng pandemya.

Limang miyembro ng city council ay nauna nang kumalas sa mayorya at tumalon kay Cong. Edgar Erice na political rival ni Mayor Oscar Malapitan.

Nabasa ko lang sa report na itong mga konsehal na ito sinasabing bagong opposition ay nag-post pa nga video na nagsasabing nagkaroon ng overpriced sa pagbili diumano ng 60,000 plus na mga computer tablet na ipinamahagi sa mga estudyante para sa distance learning.

Sa alegasyon ni ex-majority leader Rose Mercado at mga kapwa konsehal na sina PJ Malonzo, Alou Nubla, Carding Bagus at Alex Mangasar, depektibo daw ang P318.7 milyong halaga ng nabiling gadget kung saan may problema daw ito sa internet connectivity at battery life.

Batay sa ulat, doon sa video na pinamagatang “Mata sa Mata”, kinuwestiyon ng opposition councilors ang biniling tablet sa halagang P4,930 na diumano’y small size at mahal sa presyong P3,699.

Siyempre pinabulaanan ‘yan ng kampo ni Mayor Oca. Wala daw overpriced na nangyari at dumaan sa bidding ang pagbili ng gadget at malinaw na pamumulitika ang ginawa ni Erice at ng kanyang mga kaaalyado.

Well, kung totoo ang alegasyon ang grupo ni Mercado at may sapat naman silang ebidensiya, mas mabuting maghain na lang sila ng graft complaint laban kay Mayor Oca sa Office of the Ombudsman.

Dahil sa alegasyong ito, pinangambahan din baka magkaroon ng alingas sa planong pagbili ng vaccine laban sa COVID-19.

May balak daw kasing bumili ng 600,000 doses ng COVID-91 vaccine mula sa AstraZeneca at Johnson & Johnson. Sa pagkaalam ko, P610 ang dalawang dose ng AstraZeneca.

Kung matutuloy ang plano, gagastos ang city government ng P378 milyon o higit pa para dito. Malaking pera ito. No doubt bibili talaga ang city government ng Caloocan dahil halos naman ng LGUs sa Metro Manila ay naglaan na budget para dito.

Medyo huli na ang lungsod dahil halos karamihan sa mga LGUs ay naka-order na at ngayo’y naghahanda na para sa kanilang vaccination rollout.

Kung pinagdudahan ang pagbili ng gadget, aba’y dapat bantayan din ng mga oposisyon ang vaccine procurement ng lungsod. Puwede namang silang mag-demand ng transparency sa pag-procure ng COVID-19 vaccine.

Karapatang na taga-Caloocan ang bawat detalye ng proseso sa pagbili ng bakuna para matiyak na hindi na nagagamit sa tama ang perang gagamitin dito. In the first place, pera ng mga taxpayer ng Caloocan ang ginagamit para dito kaya tama lang na tutukan ito.

Tutal itong grupo ni Councilo rMercado ay andiyan naman sa konseho kaya sila ang dapat unang tumutok para masigurong hindi overpriced ang bibilihing bakuna laban sa coronavirus.

The post Vaccine procurement tutukan first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments