Binawian ni Stephen Curry at ng Golden State ang Spurs 114-91 sa 75th NBA regular season game Martes ng gabi sa AT&T Center sa San Antonio.

Nagkamada ng 32 points si Curry para iganti ang 105-100 loss sa Spurs noong Lunes at umangat sa 13-12 win-loss record. Maaga ring natapos sa tatlo ang winning streak ng San Antonio na bumaba sa 14-11.

Nag-ambag si Eric Paschall ng 15 points at 6 rebounds off the bench, may 14 markers pa si Andrew Wiggins sa Golden State. Namigay ng 11 assists at kumalawit ng 11 rebounds si Draymond Green na center muli sa small-ball rotation ni coach Steve Kerr.

Hindi maipasok ng Warriors ang mga tira sa labas ng arc sa kaagahan ng laro pero nang makuha ang ritmo ay tumira ng 17 for 40 overall sa 3s. Sinindihan ito ni reserve guard Damion Lee na nagtuhog ng tatlong long-range bombs at umiskor ng 11 sa loob lang ng 5 minutes mula first quarter patawid ng second.

Namuno ang 17 points ni Rudy Gay para sa San Antonio. (Vladi Eduarte)

The post Curry rumesbak vs San Antonio first appeared on Abante Tonite.