Nagsagawa ng kilos protesta, ang iba’t ibang grupo ng Health workers sa harap ng gusali ng Department of Health (DOH) sa Sta. Cruz, Maynila.
Unang nagtipon-tipon ang mga health worker sa harapan ng Philippine General Hospital (PGH) bago nag-martsa patungo sa tanggapan ng DOH.
Iginiit ng mga health worker, ang pagbibitiw ni Health Secretary Francisco Duque III dahil sa kapabayaan, walang kakayahan at hindi mabisang pagtugon sa Covid-19 pandemic at ‘di agarang pagbibigay ng kanilang mga benepisyo.
Samantala, sinabi ng Filipino Nurses United (FNU) convenor Eleanor Nolasco na tuloy-tuloy ang isasagawa nilang kilos protesta laban sa DOH dahil hanggang sa ngayon ay marami pa ang hindi nakakatanggap ng benepisyo. (Juliet de Loza-Cudia)
The post Pinakamalaking protesta kinasa ng mga health worker first appeared on Abante Tonite.
0 Comments