Bistek sinipa sa Lacson-Sotto team

Kinumpirma ni Partido Reporma presidential bet Panfilo `Ping’ Lacson at running mate Senate President Vicente `Tito’ Sotto III na tinanggal na nila sa kanilang senatorial lineup si dating Quezon City mayor Herbert `Bistek’ Bautista.

Ayon kay Lacson, nagpadala ng liham si Bautista na nagsaad na gusto maging kinatawan ng Nationalist People’s Coalition (NPC) sa Marcos Jr-Duterte tandem.

“Sinabi ko kay SP (Sotto), hindi ako concerned dito kasi hindi naman ako NPC pero itong sulat niya, hindi ko rin maintindihan,” sabi ni Lacson sa isang press conference.

Naghain si Bautista ng certificate of candidacy sa ilalim ng NPC na pinamumunuan ni Sotto.

“Hindi naman ako NPC. So ako, damay ako sa kanya (Sotto) kasi magka-tandem kami e,” paliwanag pa ni Lacson.

Nasa desisyon na aniya ng NPC kung tuluyang nang sisibakin sa NPC ang dating alkalde ng Quezon City.

“That’s a decision that the NPC has to make as a political party,” sabi pa ni Lacson.

Samantala, wala umanong sama ng loob si Bautista matapos na tanggalin siya sa senatorial ticket ng Lacson-Sotto team at nagpasalamat pa rin ito kahit sa maikling pananatili niya sa lineup.

“My respect for Senators Lacson and Sotto has not diminished,” dagdag pa ng dating alkalde. “I look up to them with appreciation for everything they have done for the country. I wish both of them the best of luck.” (Dindo Matining)

The post Bistek sinipa sa Lacson-Sotto team first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments