Ariel, Jona bagong Jukebosses ng Sing Galing

Nagkaroon ng presscon sa taping ng Sing Galing Year 2.

Ipinalabas sa TV5 ang episode na ‘yun kagabi, March 17.

Level up ang Year 2 sa malaking premyo, bagong segment at dagdag na celeb sa Kantawanan.

Bagong Jukebosses angDiva-Oke Songstress Jona and Chief
Sing-patiko Ariel Rivera kantawanan.

Sey ni Jona nagpaalam daw siya sa Star Magic at pinayagan naman siya na mapasama sa show na ito.

Photo by Laila Chikadora

Kasama nina Jona at Ariel sa Jukebosses sina Ariel Rivera,Ronnie Liang, Jessa Zaragoza,Ethel Booba, Allan K at Rey Valera.

Ang Singtestants ay posibleng manalo ng P100,000 for the day kung
perfect score sila sa Asingtado round. Nagbalik din ang Pachinko Ball will na may twist sa Ka-awitbahays.

Napapanood ang Sing Galing tuwing Lunes, Martes at Huwebes, 6:30 PM sa TV5. Hosted by Randy Santiago, Donita Nose at K Brosas. Ang Now Zending host ay si Zendee. Ang Singtokers naman ay sina Nikko Badayos,Billy King,Eli Padilla, Dane at Yuki Takahashi.

Todo na ang pasabog ng Sing Galing, original videoke kantawanan ng bansa.

The post Ariel, Jona bagong Jukebosses ng Sing Galing first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments