Cavite mayor kasado sa Agimat ni Revilla

Mainit na sinalubong ng mga taga-Ternate, Cavite sa kanyang pagbisita sa lugar si Bryan Revilla, first nominee ng AGIMAT Partylist.

Sa pagdalaw nito ay malugod din silang nagkausap ni Ternate, Cavite Mayor Lamberto Bambao kung ayon sa batang Revilla ay maituturing niyang isang halimbawa ng tunay na pamumuno ang alkalde.

Isang pribelihiyo aniya na magkita sila at marami siyang natutunan sa pakikipag-usap sa punungbayan.

Malugod namang pinasalamatan ni Bryan ang mga taga-Ternate sa pinaramdam nilang suporta sa kanyang pag-iikot sa lugar kamakailan.

“Maraming salamat Ternate Cavite sa suportang ibibigay n’yo sa amin. Makakaasa kayo na tutulong kami sa inyong mga pangangailangan,” pangako naman ng batang Revilla.

The post Cavite mayor kasado sa Agimat ni Revilla first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments