BI bulabog sa umusok na aircon

Nabulabog ang Bureau of Immigration (BI) matapos na maglabasan sa lobby ang mga empleyado nang umusok ang isang airconditioning unit sa kanilang tanggapan sa Intramuros, Maynila kahapon ng hapon.

Ayon sa ulat ng Bureau of Fire Protection, dakong ala-1:54 ng hapon nang itawag sa kanila ang insidente kung saan ipinabatid na mayroong usok na nagmumula sa gusali ng BI.

Mabilis namang naagapan ang insidente sa agarang pagresponde ng mga bumbero at idineklarang fire out na ito mag-aalas-dos ng hapon.

Wala naman iniulat na pinsala sa gusali dahil mabilis nakontrol ang insidente. (Juliet de Loza-Cudia)

The post BI bulabog sa umusok na aircon first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments