Rabiya ‘di isusuko si Jeric

Ni:ALWIN IGNACIO

Ibinahagi sa social media ang dating photos nina Ms.Universe Philippines Rabiya Mateo at international best actor winner Jeric Gonzalez.

Alam na alam na ginawa ang galawang ito para tuluyang patayin ang chika na bumalandra sa social media kung saan may kasamang kapwa lalaki si Gonzales sa photo.

Ang Jeric defenders, sinabing eksena ang mga larawan sa “Broken Blooms” isang indie film na ang aktor ang bida. Dito nga siya nagwagi bilang best actor na not once, but twice.

Sa pelikula, asawa ni Gonzales sina Therese Malvar at Norman Balbuena sa mas kilala na sa kanyang showbiz name na “Boobay”.
Ang diva that you love, matapos palutangin na stills mula sa pelikula ang mga larawan, makailang beses ko itong sinipat. Parang hindi naman si Boobay ang katabi ni Jeric sa larawan kung saan may matching mamahaling gintong singsing pa silang suot

Mas lalong hindi si Balbuena ang ka-liplocking ni Gonzales habang may hawak silang kopita na may wine.

Kung si Boobay ito, hindi naman dapat itago ang mukha niya dahil maganda ang maricon na ito. At panalong pre-promo hindi ba naman?Kung bit player ang tao, eh ano ba namang ipakita sa lahat ang pagmumukha niya?

Anyway,wala namang masama sa ginagawa ni Rabiya na ipaalam sa lahat na she stands by her man. Bilang kasintahan ni Gonzales, karapatan niyang ipagtanggol ito at ipaglaban ang kanilang relasyon at pagmamahalan.

Ang abangan ang susunod na kabanata, paano kung ang kasama niya sa photo na itinago ang pagmumukha, eh biglang nagpa-interview at mas marami pang larawan at ibang ebidensya ang inilabas na magpapatotoo sa closeness nila ni Jeric? Ay, the plot thickens at talagang iyan ang mas exciting part.

The post Rabiya ‘di isusuko si Jeric first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments