UV driver di na nakabiyahe, nag-suicide

Nagpatiwakal ang UV Express driver nang magkaroon ng depresyon sanhi ng pandemya at mawalan ng trabaho nang hindi na nakabiyahe pa sa Quezon City, nitong Martes ng umaga.

Sa report ng Criminal Investigation and Detection Unit ng Quezon City Police District (CIDU-QCPD), alas-8:26 ng umaga (June 14), nang madiskubre ang nakabigting katawan ng 51-anyos na binatang biktima sa loob ng kaniyang tahanan sa nasabing barangay.

Sa imbestigasyon ni PCpl Christian Loyola, nagkaroon ng depresyon ang biktima nang hindi na makabiyahe dahil sa mga lockdown sa gitna ng COVID-19 noong 2020.

Nabatid na tinangkang i-revive driver subalit wala na itong buhay. (Dolly B. Cabreza)

The post UV driver di na nakabiyahe, nag-suicide first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments