Pasyente nanganak sa nasusunog na ospital

Isang pasyenteng buntis ang nanganak sa labas mismo ng nasusunog na ospital sa Butuan City.

Ayon sa isang ulat, habang nangyayari ang sunog at inililikas ang ilang pasyente ay siya namang pagdating din sa ospital ng buntis na pasyente.

Hindi naman nagdalawang-isip si Dr. Carissa Cay Castanio na sagipin ito nang mamataang nakalabas na ang ulo ng sanggol.

Nanganak naman nang maayos ang ginang at agad na ipinasok sa loob ng ospital matapos ang sunog. (Sherrylou Nemis)

The post Pasyente nanganak sa nasusunog na ospital first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments