Piso kontra dolyar lumagapak sa P55.31

Napatid ang piso at lumagapak sa P55.31 ang pinakamababang palitan nito laban sa dolyar mula noong 2005, sa unang araw ng pormal na pag-upo ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Nagbukas ang piso sa P54.98 na palitan laban sa dolyar at lumakas pa sa P54.90 bago tuluyang sumadsad sa P55.31 at nagsara sa palitan na P55.09 kada dolyar.

Umabot sa $1.292 bilyon ang halaga ng mga transaksyon ng palitan ng piso kahapon. (Eileen Mencias)

The post Piso kontra dolyar lumagapak sa P55.31 first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments