Crew ng Mcdo, binoga sa sinilbing malamig na fries

Nahaharap ngayon sa kaso ang isang lalaki sa New York, USA matapos umano nitong barilin ang isang crew ng fastfood chain na naghain ng malamig na french fries,

Sa lumabas na ulat sa New York Post, batay na rin sa report ng pulisya, nangyari ang insidente sa McDonald sa Brooklyn noong Lunes ng gabi matapos na barilin ng suspek na si Michael Morgan, 20, ang 23-anyos na crew McDonald na nasa malubha ngayong kalagayan.

Nagsimula ang pamamaril nang magtalo ang isang 40-anyos na babae at ang biktima, nang magreklamo ang kostumer at komprontahin ang crew na nagbigay sa kanya ng cold fries.

Kasunod noon ay nakipag-video call ang babae sa anak niyang si Morgan, na sumugod sa fastfood chain at nakipagtalo sa empleyado bago lumabas ang dalawa kung saan binaril ni Morgan ang biktima.

Ang suspek na si Morgan ay nahaharap ngayon sa kasong criminal possession of a loaded firearm.

The post Crew ng Mcdo, binoga sa sinilbing malamig na fries first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments