Halos P6M lotto jackpot sinolo ng taga-Quezon

Sinolo ng isang residente ng Quezon province ang halos P6 milyong jackpot mula sa Lotto 6/42 draw noong Sabado ng gabi.

Ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO), natumbok ng masuwerteng mananaya ang winning combination na 26-12-20-24-39-41 na may P5.94 milyong jackpot prize.

Nabili umano ang winning ticket sa isang lotto outlet sa Candelaria, Quezon.

Nasa 18 mananaya naman ang nanalo ng P24,000 dahil sa nakuhang limang numero mula sa winning combination. Mayroong 910 mananaya naman ang nanalo ng tig-P800 para sa apat na tamang digit at 16,954 ang nanalo ng P20 para sa natumbok na tatlong numero.

Binobola ang Lotto 6/42 tuwing Martes, Huwebes at Sabado. (Vick Aquino)

The post Halos P6M lotto jackpot sinolo ng taga-Quezon first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments