Herlene walang utang na loob kay Willie, manager rumesbak

Naging malaking isyu na hindi sumama sa AllTV ang beauty queen ,actress at ambassador ng Rejuviant na si Herlene Nicole Budol.

Pinaratangan si Herlene na walang utang na loob sa AllTV executive na si Willie Revillame

Nagpaliwananag at rumesbak si Wilbert Tolentino, manager ni Hipon Girl.

“UTANG NA LOOB” – Meron po si Hipon Girl nyan. May CAMERA O WALANG CAMERA lagi nya etong linya “LAPITIN AKO NG WIL in GODS WILL” alam yan ng nakakarami at naririnig natin yan sa PUBLIKO galing sa bibig po nya,” saad ni Wilbert sa kanyang Facebook account.

“Si Hipon ay sobrang Grateful at Thankful kay KUYA WIL dahil bukang bibig nya – “dyan ako nag simula at dyan sya pinasikat ni Kuya” at tinuring nya si KUYA WIL na tatay nya sa WOWOWIN. mas mabilis pa cya sa alas kwatro kung narinig nya pangalan ni KUYA WIL. isang dilat lang ng mata ni Kuya Wil natataranta na yan at iiyak sa takot mapagalitan. ganyan ka taas ang RESPETO nya kay KUYA WIL. kahit sa pag kampanya sa election ay tumawag ang Staff ni KUYA WIL sa akin ay agad ko rin pina punta.

“FYI lang po …indi po cya kumuha ng TALENT FEE para sa TUTOK TO WIN PARTYLIST. yan po ba tinatawag na walang UTANG NA LOOB?

“ Define Utang na loob at hanggang saan po limitasyon ang isang utang na loob? eto ba ay PERA o Sumbat? hanggang kelan? Ang utang na loob ba ay dapat ba e ukit sa pyramid ng EGYPT? Please enlighten me baka po malinawan po ako,” hirit pa niya.

“NAGPAPATAAS NG PRESYO” – May resibo po ba eto? saan po nakuha ang balita na nag papataas kami ng PRESYO? “

Hirit pa ni Wilbert desisyon niya na manatili sa Kapuso si Hipon Girl.

“Ako mismo nag Desisyon ibigay sa GMA Network si Hipon. Kung PERA PERA lang asa utak ko e di sana Grinab ko na ang offer ni KUYA WIL na nag offer ng malaking Guaranteed Contract with 1 Studio Condo Unit na inoffer from ALLTV ng AMBS NETWORK,” lahad pa niya.

“At bilang Manager po ni Hipon Obligasyon ko paliparin ang Karera po nya at indi ko ipagkakait na tulungan ang bata at higit sa lahat indi po ako naniningil ng UTANG NA LOOB.

“Pag tumulong dapat bukal sa kalooban dahil at the end of the day lahat tayo mamatay din. indi natin madadala ang PERA sa Hukay. Kaya Leave a good mark.”

Sinabi rin ng negosyante-talent manager na wala silang isyu ni Willie.

“ KUYA WIL. Sayo nagsimula si Hipon at produkto mo po cya. Ako lang gumawa ng Gold kay Hipon pero ikaw ang nagpaKINTAB,” mensahe pa ni Wilbert.

Anyway, bongga talaga si Herlene dahil pinag-aagawan ang beauity niya kung mananatili siya sa Kapuso o magiging contract star ng AMBS.

Mabangong-mabago ang career niya gaya ng bango ng ini-endorse niyang Premium Cocoberry Instaglow lotion at Premium Cocoberry Body wash ng Rejuviant. Ang CEO at President nito ay si Ma’am Chique Ballon.

The post Herlene walang utang na loob kay Willie, manager rumesbak first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments