Nagbenta ng shabu sa pulis; dalaga, ate dinakma

Inaresto ng mga tauhan ng Station Drugs and Enforcement Unit (SDEU) ang isang dalaga, ang kanyang ate at tropa nilang menor-de-edad makaraang kumagat ang mga ito sa ikinasang buy bust sa Caloocan City, kamakalawa.

Violation of Section 5 (selling of dangerous drugs) in Relation to Section 26 (conspiracy) at Section 11 (possession of illegals drugs) ang ikinaso sa magkapatid na Catherine Mae Malinign, 20, dalaga; ate nitong si Myrna, 44, may asawa, kapwa taga-BMBA Compound, Barangay 120 ng lungsod.

Dinala naman sa custodial facility at holding area ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang kasama nilang 16-anyos na binatilyo.

Sa ulat ng SDEU, alas-3:00 ng madaling araw, nagkasa sila ng buy bust operation sa lugar ng magkapatid.

Nagkunwaring poseur buyer si PCpl. Lordwin Ignacio at bumili sa tatlo ng P7K shabu.

Nang magkaabutan, doon na dinakma ang magkapatid na Malingin. (Orly Barcala)

The post Nagbenta ng shabu sa pulis; dalaga, ate dinakma first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments