Tulfo pinukpok DOLE sa isyu ng mga worker

Itinulak ni Senador Raffy Tulfo ang Department of Labor and Employment (DOLE) upang busisiin ang mga ulat hinggil sa suweldo at iba pang benepisyo ng mga manggagawa partikular ng nasa pribadong sektor.

“Hanapin n`yo po ang mga tao na hindi makakatanggap ng maayos na suweldo. Karamihan sa mga factory, patahian, construction. P570 po ang minimum wage natin pero P250 po ang sahod nila. Sana ma-achieve natin. Hindi po ito imposible,” sabi ni Tulfo.

Ginawa ni Tulfo ang pahayag nang humarap sa organizational meeting ng Senate committee on labor, employment and human resources development kahapon kung saan ay humarap si DOLE Secretary Bienvenido Laguesma.

Sabi pa ni Tulfo, kadalasang problema rin ng mga manggagawa ang kawalan ng benepisyo, delikadong kalagayan sa kanilang pagtatrabaho, walang 13th month pay at non-remittance ng kontribusyon sa Social Security System.

Kinalampag din ng senador ang DOLE na maging transparent sa mga isyung may kinalaman sa paggawa.

“Ang nangyayari po kasi, sasabihin ng labor arbiter sa complainant na tanggapin na lang ang alok, kasi walang transparency,” ani Tulfo.

The post Tulfo pinukpok DOLE sa isyu ng mga worker first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments