Willie, Toni bibinyagan na ang Villar TV

Excited na excited na si Willie Revillame sa pagbubukas ng pinakabagong network sa bansa, ang AllTV Channel ng AMBS network na pag-aari nga ng pamilya ni former Senator Manny Villar.

Sa live streaming ng Wowowin sa YouTube last Tuesday ay ibinalita ni Willie ang pagbubukas ng network on Sept. 13, Tuesday.

Sa pagsisimula nga sa ere ng network na may slogan na “Sama All, Saya All” ay mamimigay daw agad sila ng malalaking papremyo.

“Alas-dose ng Sept. 13, noontime po ‘yan, mamimigay kaagad kami ng papremyo. Sa bawat tawag, dalawang P25,000.00 every 30 mins hanggang 4:00 po yan,” anunsyo ni Willie.

Pagkatapos daw nito ay mapapanood na ang bagong show ni Toni Gonzaga.

“After niyan, mayroon na pong show si Miss Toni Gonzaga. ‘Toni’ ang title po ng bagong show niya, I think, 4-5 pm po ‘yan,” aniya.

After Toni’s show ay mapapanood na raw ang news program ng network at pagkatapos nito ay ang kanyang Wowowin na ang eere at 7pm.

“Hindi ko na sasabihin kung sino ang mga artista para surpresa po lahat,” sambit pa niya.

Ibinalita rin niyang pumirma na rin ng kontrata sa network last Tuesday si Anthony Taberna o Ka Tunying kaya abangan daw kung ano ang magiging programa nito.

Sey pa niya, “magugulat pa kayo sa mga ibang pipirma.”

Ayon pa kay Willie, siya ang unang-unang pumirma sa AMBS Network, followed by Toni G. at pangatlo nga si Ka Tunying.

“Alam ko, merong pang sunod-sunod (na pipirma), baka magulat po kayo. So, abangan n’yo lang po ito,” saad ni Kuya Wil.

The post Willie, Toni bibinyagan na ang Villar TV first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments