Badoy piniga ng SC sa banat kay Judge Malagar

Inatasan ng Supreme Court (SC) sa pamamagitan ng pag-isyu ng show cause order si dating National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) spokesperson Lorraine Badoy na magpaliwanag kung bakit hindi siya dapat na ma-contempt sa kanyang naging pahayag kay Manila Regional Trial Court Judge Marlo Magdoza-Malagar.

Sa kautusan ng SC binigyan si Badoy ng 30 araw para magpaliwanag.

Nabatid na sinampahan na rin ng kasong ‘indirect contempt’ ng mga abogado at mga law school dean sa Supreme Court (SC) si dating National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) spokesperson Lorraine Badoy dahil sa mga social media post nito laban kay Judge Malagar. (Juliet de Loza-Cudia)

The post Badoy piniga ng SC sa banat kay Judge Malagar first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments