Bea Alonzo namigay ng pera

NI Rommel Gonzales

May ginintuang puso si Bea Alonzo.

Sa halip kasi na iuwi ang napanalunang fifty thousand pesos sa Bawal Judgmental sa Eat Bulaga!

nitong Sabado ay ibinigay ni Bea ang pera sa apat na taong kasali bilang pagpipilian na tamang sagot sa naturang segment.

Apat na ulila na sa magulang ang mga choices na nakaharap ni Bea sa Bawal Judgmental at isa-isa niyang napakinggan ang mga nakakaantig na kuwento ng mga ito.

Sa first round, kinailanganghulaan ni Bea kung sino sa apat na choices ang ulilang lubos sa edad na fourteen years old o mas bata pa.

Tama naman ang naging hula ni Bea kung kaya’t hindi nabawasan ang kanyang guaranteed money na singkuenta mil.

Naantig ang damdamin ng Start-Up PH actress sa mga narinig niyang kuwento mula sa apat na choices.

“Maraming-maraming salamat dahil pinag-guest niyo ako dito at narinig ko yung mga istorya nila at grabe ang bigat!

“Pero I have to say very inspiring din kasi sa kabila ng lahat ng mga pinagdaanan niyo, napakatapang at napaka-strong niyo na mga tao at kitang-kita ko pa rin sa mga mata niyo yung kindness kahit ang dami nang challenges sa buhay niyo.”

At dahil dito ay nagdesisyon si Bea na ibigay sa apat ang kanyang prize money.

“Dahil diyan gusto ko ring i-share ‘to sa inyo, para sa inyo ‘to hindi ito para sa akin,” ani Bea.

The post Bea Alonzo namigay ng pera first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments