Bus at jeepney stop itatakda sa Commonwealth Ave

Plano ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na maglagay ng bus at jeepney stop sa kahabaan ng Commonwealth Avenue sa Quezon City, alinsunod sa gagawing motorcycle lane sa naturang highway.

Sa isang pahayag ng ahensiya, nakipagpulong na diumano sina MMDA acting chairman Carlo Dimayuga III at acting General Manager Baltazar Melgar sa mga kinatawan ng pamahalaang lokal ng Quezon City local at iba’t ibang jeepney operator noong Martes upang pag-usapan ang pagtatalaga ng mga bus at jeepney stop para matiyak ang kaligtasan sa kalsada.

“There should be designated bus and jeepney stops for passengers as part of road safety. It’s about time to instill road discipline among all passenger vehicles,” pahayag ni Dimayuga sa preliminary meeting na ginanap sa Brgy. Commonwealth Hall.

Dumalo sa pulong ang mga kinatawan ng iba’t ibang transport group. (Betchai Julian)

The post Bus at jeepney stop itatakda sa Commonwealth Ave first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments