Dyowa binugaw online

Arestado ang isang lalaki matapos nitong ibenta sa online sa halagang P6,500 ang kanyang girlfriend at isa pang babae sa Quezon City.

Ang suspek na pansamantalang di pinangalanan ay nadakma sa ikinasang entrapment operation ng operatiba ng District Special Operations Unit (DSOU) ng Quezon City Police District (QCPD) sa Kalayaan Avenue sa lungsod.

Ayon kay QCPD-DSOU chief, PLt. Col. Colonel Rolando Lorenzo Jr., nakatanggap sila ng impormasyon kaugnay sa pambubugaw ng suspek sa mga babae ng tig-P6,500 kabilang pa ang kaniyang girlfriend sa online sa kanilang mga parokyano.

Batay umano sa pakikipag-usap ni Lt. Col. Lorenzo sa mga biktima, sa halagang P6,500 ay napupunta sa kanila ang P3,500 at P3,000 naman sa suspek.

Inihahanda na ang kasong mga paglabag sa Anti-Trafficking in Persons Act, Cybercrime Prevention Act, at Anti-Violence Against Women and Their Children Act laban sa suspek. (Dolly Cabreza)

The post Dyowa binugaw online first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments