Krimen sa Pinas tumamlay

Nakapagtala ang Philippine National Police (PNP) ng halos 12 porsyento ng pagbaba sa mga index crimes sa buong bansa nitong buwan ng Setyembre kumpara ng buwan ng Agosto ngayong taon.

Ayon kay PNP chief General Rodolfo Azurin Jr., mula 3,056 index crime na naitala nitong Agosto ay bumaba ito ng 2,690 o 366 na insidente nitong buwan ng Setyembre .

Ang index crimes ay ang mga seryosong krimen na kinabibilangan ng murder, homicide, rape, physical injury, theft, robbery at motorcycle theft at carnapping.

Base sa Crime Information Reporting and Analysis System (CIRAS), bumaba ng 11.98 % ang crime index, kung saan may 6.96% o 102 kaso ng pagbaba sa Luzon; 10.24% naman ang ibinaba sa Visayas o katumbas ng 76 kaso; habang 28.47% o 197 kaso naman ang ibinaba sa Mindanao.

Sa walong index crime, ang rape, 25.99%; homicide, 26.09% at murder 20.67%, ang may pinakamalaking pagbaba.

Naniniwala si Azurin na ang pagbaba ng krimen sa bansa ay mapapanatili hanggang Holiday season. (Edwin Balasa)

The post Krimen sa Pinas tumamlay first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments