Nakagapos na bangkay sa creek, kinilala na

Nakilala na ang nakagapos na bangkay ng lalaki na itinapon sa isang creek sa Tanauan City, Batangas noong October 19.

Nitong Martes ng hapon, October 25, positibong kinilala ng kanyang tiya ang bangkay na si Arnel De Luna, 24, taga-San Pedro City, Laguna, isang golf “pulot” boy at isa ding mango sprayer contractor.

Kasama ang mga imbestigador ng San Pedro City Police, personal na nagtungo ang tiya at ilan pang kaanak sa Tanauan City at kinilala ang labi.

Naiulat sa San Pedro police na nawawala ang biktima noong October 18 ng gabi na sinundan kinabukasan ng pagkadiskubre sa isang di nakikilalang bangkay ng lalaki na nakagapos ang mga kamay at balot ng masking tape ang buong ulo sa ibaba ng may 50 metrong lalim na dalisdis ng creek sa Brgy. Santol, sa Tanauan City.

Palaisipan naman sa mga imbestigador ng San Pedro PNP at Tanauan Police station ang motibo sa krimen at sa brutal na pagpaslang sa biktima. (Ronilo Dagos)

The post Nakagapos na bangkay sa creek, kinilala na first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments