Mas marami ang tumatangkilik at sumasakay sa Pasig River Ferry Service ngayong taon kumpara sa nagdaang taon dahil na rin sa pagtanggap ng publiko bilang alternatibong transportasyon sa Metro Manila.
Ito ang inihayag ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), na mula noong Enero 2022 hanggang nitong Setyembre ay tuluy-tuloy ang pagtaas ng bilang ng ridership o ang mga sumasakay sa ferry dahil bukod sa iwas-traffic na, libre pa ang pamasahe!
Hinikayat ng MMDA ang publiko na simulan nang sumakay sa Pasig River Ferry Service sa alinmang 13 istasyon kabilang ang Pinagbuhatan, San Joaquin, Maybunga, Kalawaan, Guadalupe, Valenzuela, Hulo, Lambingan, Sta. Ana, PUP, Lawton, Escolta, at Quinta. (Betchai Julian)
The post Pasahero sa Pasig ferry dumagsa first appeared on Abante Tonite.
0 Comments