JuRald nagmukhang basang sisiw sa putikan

NI: BETH GELENA

Uploaded na sa YouTube ni Gerald Anderson ang trip nila ni Julia Barretto sa Singapore. Pati na ang experience sa panonood ng F1 rat race na ginanap sa bansang tinatawag na Lion or Garden City ng buong mundo.

Sa video ay super enjoy ang celeb couple habang naglalakad patungo sa restaurant na kanilang kakainan.

Inabot sila ng ulan sa paglalakad.

Ang nakatutuwa wala silang kaarte-arte at typical na magsyota na naglalakad at tumatakbo sa ulanan makarating lang sa pupuntahan.

Bahagyang sumisilong sa aisle habang nagkukuwentuhan.

Sabi ni Julia kay Gerald nag-google daw siya at ang lugar na kanilang kakainan ay walang shopping mall kundi pawang restaurant lang.

Sagot ni Ge, “i don’t think so.”

Kilala kasi ng actor ang girlfriend na mahilig mag-shopping at di nga siya nagkamali dahil may nakita silang boutique at agad pumasok ang aktres .Nagsukat siya ng ipapalit na slippers or sandals para sa suot na sneakers.

Sabi nga ng netizens, “Ang cute naman nila. Pero 90% mukha ni Julia ang vlog hahaha ok lang naman po”

“buti nga navlog, sa dami nilang out of town/country yan lang naupload, wait ko ung boracay nila or thailand”
Sa actual event ng F1 ay nag-commute ang celeb couple.

Pagbaba nila ay walking galore na sila dahil maulan at maputik ang venue .Wala talaga silang choice kundi ang maglakad.
Kesehodang hindi na glam ang hitsura ni Julia panay ang tili at sigaw niya sa car racing.

Wala siyang pakialam kung mabingi ang boyfriend sa katitili niya.

Pagkatapos ng event, ani ng aktres, nawalan siya ng boses dahil sa kasisigaw.

Kaya naman pala magkasundung-magkasundo ang mag-jowa ay pareho silang outdoor lovers.

Hindi secretive si Julia lalo at kapag nai-excite. Pineflex talaga niya ang feelings.

Kaya naman pala napamahal ang aktor sa aktres.

Nang lumabas sa venue ang celeb couple ay para na silang mga basang sisiw. Hindi kasi nila iniinda ang ulan at maputik na dinadaanan.

The post JuRald nagmukhang basang sisiw sa putikan first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments