Alden hands-on na producer

Tulad ng alam ng marami, ang Myriad Entertainment ni Alden Richards ang producer ng ‘Ang Huling El Bimbo’ concert na ginanap nitong December 2 sa SMDC Festival Grounds sa Pasay City.

At bilang isang hands-on producer, makikita sa video na ipinost ni

Asia’s Multimedia Star sa kanyang Instagram kung saan kausap ni Alden ang Eraserheads members partikular na ang leader ng grupo na si Ely Buendia.

Makikita rin si Alden na tsine-check, kasama ang mga nasa technical team, ang mga kaganapan sa mga monitor sa technical booth backstage upang masigurong maayos ang lahat.

Narito ang buong caption ni Alden sa kanyang video…

“Hangang sa dulo ng mundo solid ang ating pagsasama! 🤘🏼

Maraming Salamat sa mga naki Sing- Along at di nagpatalo sa mahabang pila! (Rommel Gonzales)

#HulingElbimbo2022
#Eraserheads2022
#MyriadEntertainment”

The post Alden hands-on na producer first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments