Bespren nangulit sa walwalan, tinodas

Timbuwang ang isang lalaki matapos barilin ng kanyang bestfriend na dating overseas Filipino worker (OFW) habang nag-iinuman Lagangilang, Abra kamakalawa.

Kinilala ng Lagangilang Police Station ang biktima na si Edcel Mangna, 39, isang magsasaka, nakatira sa Barangay Cayapan ng nasabing bayan.

Nakatakas naman ang suspek na kinilalang si Servano Guerrero, 39, dating OFW, kapitbahay at matalik na kaibigan pa diumano ng nasawi.

Sa inisyal na ulat ng pulisya, masaya pang nag-iinuman ang magkaibigan hanggang sa kinulit umano ni Mangna ang suspek na ikinapikon ito.

Sobrang nakulitan na umano ang suspek dahil hindi tumigil si Magna na kulitin siya kung kaya’t biglang bumunot ng baril at pinaputukan ang biktima.

Nagtamo ng isang tama ng bala si Mangna mula sa baril na kalibre .45 at namatay bago pa dumating ng pagamutan.

Pinaghahanap pa ngayon ng mga awtoridad ang tumakas na suspek. (Allan Bergonia)

The post Bespren nangulit sa walwalan, tinodas first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments