Idol Raffy matalas pang-amoy sa mga nagpapa-Tulfo

Inilantad ni Senador Raffy Tulfo ang kanyang sikreto para hindi maloko ng mga nagrereklamo sa kanyang show na `Wanted sa Radyo’.

Araw-araw kasi maraming lumalapit sa kaya para magreklamo pero hindi naman lahat umano ng nagrereklamo ay tapat o totoo sa kanilang sinusumbong.

Kaya may mga palantandaan umano si Tulfo kung nagsasabi ng totoo o hindi ang isang tao.

Sa programang `Mahiwagang Mundo ng Politiko’ sa Politiko Live, ibinahagi ng senador ang kanyang sikreto para malaman kung nagsisinungaling ang isang nagrereklamo sa kanya.

“Ang tawag diyan, experience in action,” lahad ni Tulfo.

“Tatlong dekada na mahigit na tayong may karanasan. Nakakahalibulo, nakakaharap ko personal `yung mga nagsusumbong so pretty much, nagkakaroon ako ng assessment, ito ba’y nagsasabi ng totoo o hindi?” wika niya.

Aniya, nakikita niya sa kilos, paraan ng pagsasalita, at iba pang gawi ng isang tao kung may itinatago ito o tapat sa mga sinasabi habang kausap niya.

Pero aminado ang senador na hindi pa rin maiiwasan na minsan may nagrereklamo na niloloko siya.

“In rare cases, naaano pa rin ako, naiisahan pa rin. `Yun pala’y niloloko pa rin ako ng complainant,” sabi ni Tulfo. “9 out of ten, sa siyam na `yan hindi ako nalulusutan,”

Pero hindi pa rin naman aniya ito nakakalusot dahil kapag nag-follow up na ang kanyang mga reporter ay nalalaman pa rin nila kung may problema ba sa kanilang complainant. (Ray Mark Patriarca)

The post Idol Raffy matalas pang-amoy sa mga nagpapa-Tulfo first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments