Jasmine may hugot sa paghuhubo

Kakaibang pasabog ang mabibistahan sa Vivamax contract artist na si Jasmine So. Sa isang photo shoot kasi ay makikitang hubo’t hubad ang sexy actress na tanging crystals lang ang tumatakip sa kanyang boobs at pagkababae, para sa kakaibang hugot niya sa paghuhubad.

Ano ang hugot niya sa larawang ito?

Saad ni Jasmine, “Mensahe ko na sana makita ng mga kababaihan kung ano ang mali, bakit hindi nagtatagal relasyon nila at bakit hirap sila makahanap ng lalaki na mapapangasawa nila. Kailangan nilang matutunan na maging patas sa kalalakihan, hindi puro pangsarili lang.

“Hubad ako sa larawan na iyan ipinapakita ko na ang kababaihan ngayon na gustong maging reyna, makapangyarihan, yumaman at the same time pagiging sobrang liberated at freedom na gusto nila, na ‘di nila na-realize wala na silang privacy tulad ng isang babaeng hubad na naipakita na niya ang lahat. Ako lang ang hubad, represents ng isang babae na mataas ang ambisyon sa maling paraan. Paggamit sa kalalakihan para mabilis na umangat sa buhay. Ako yung babae na nasa punto na halos wala na akong kahihiyan. Ang ibang mga babae (sa larawan) ay mga naimpluwensiyahan ko at susunod sa yapak ko.

“Independent siya pero lahat iyon bigay lang ng sugar daddy niya… Kaya may apple sa photo, kasi si Eve ‘di ba na-deceived niya si Adan? So, shortcut way para umangat sa buhay, tapos gusto niya na mas nakakahigit siya sa lalaki sa pamamagitan ng paggamit ng katawan at ganda, minamanipula niya ang mga lalaki para siya ang reyna.”

Hindi kaya isipin ng iba na exhibitionist siya dahil sa photo? Advocacy niya ba na ‘gisingin’ ang mga makabagong Eva, sa makabagong mundo?

“Well, exhibitionist naman majority ng mga babae lately, dahil sa salitang “i can wear whatever I want.” Iyong pagiging comfortable raw sa kung ano gusto nilang suotin. Sa larawang iyan, makikita nila kung ano sila sa mata ng ibang tao. Yes, gusto kong magising sila sa katotohanan na ang mga nakikita nila sa social media ay nakakasama ang iba at ang ibang tao kasi napapaniwala ng mga nakikita nila sa social media,” saad pa ni Jasmine na mapapanood sa mga pelikulang Boso Dos, Erotica Cine- Parausan, at Suki .

Ang mga hottie na tulad ni Jasmine na very vocal sa kanyang opinion sa nangyayari sa kapaligiran ay swak na pampabuhay ng ugat sa maraming barako. Sa taglay na hotness ng aktres, kayang-kaya niyang magpatirik ng mata sa sino mang kalahi ni Adan, kahit man lang sa kanilang wild imaginations. (Nonie Nicasio)

The post Jasmine may hugot sa paghuhubo first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments