Bea Alonzo takot sa baka

Kinaaaliwan ng netizens ang isang eksena sa Youtube vlog ni Bea Alonzo kung saan makikitang itinu-tour nila ng kanyang ina ang mga viewers sa farm ng aktres sa Zambales, ang Beati Farm.

At habang nakaupo sila sa isang golf cart at nagtsitsikahan ay biglang may umapir na mga baka.

At nang aktong lalapit na ang mga hayop kina Bea ay napatayo si Bea at dali-daling lumayo.

“Guys, takot si Bea Alonzo sa mga baka,” ang tumatawang sinabi ng ina ng aktres na sinagot naman ni Bea ng, “Di pa kami friends ng mga baka.”

At kahit habang ipinapakita ni Bea sa viewers ang taguan ng kanilang bigas at may sumulpot muling baka ay natiglan ang katres sabay sabing, “Mama natatakot ako sa mga baka!”

“Bihira kasi makakita ang baka ng maganda kaya hinahabol ka,” ang sagot ng ina ni Bea. (Rommel Gonzales)

The post Bea Alonzo takot sa baka first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments