Luna Agoncillo, nagdiwang ng 7th birthday

Isang masayang children’s party ang idinaos upang i-celebrate ang ikapitong kaarawan ng bunsong anak nina Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo na si Luna kahapon January 7.

Siyempre pa, tulad noong debut ng ate ni Luna na si Yohan ay mayroon ring mandatory antigen swab para sa kaligtasan ng lahat ng mga bisita.

Ginanap sa Dreamplay na isang theme park sa Parañaque ang children’s party kung saan may mga parlor games, prizes at siyempre pa, masaganang pagkain.

Guest rin sa party ang DreamWorks characters na sina Shrek at Fiona, Kung Fu at ang Trolls characters.

Kabilang sa mga dumalo na mga celebrity moms sina Gladys Reyes, Iya Villania at Ciara Sotto kasama ang kanilang mga anak.

In full attendance of course ang Santos at Agoncillo family. (Rommel Gonzales)

The post Luna Agoncillo, nagdiwang ng 7th birthday first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments