Sa kabila ng krisis pangkalusugan nitong pandemya, nagbigay oportunidad ito para sa mga kabataan na tuklasin ang kanilang sarili. Ang panahon ng lockdowns at social distancing at health protocols, ay panahon din ng pagrerepleksyon. Marami ang nagsimulang magtanong tungkol sa kanilang sariling pagkatao, sa kanilang sekswalidad na humantong sa journey ng kanilang self-discovery.

Dahil sa social isolation, uncertainty at iba pang kondisyon, marami ang nakaramdam ng krisis sa kanilang existence. Samu’t saring emosyon ang kayang matrigger ng pandemya. Ito rin ay naging natatanging pagkakataon para sa maraming kabataan na maunawaan ang kanilang niloloob, magtulak sa kanila sa ‘questioning’ phase o di kaya ay mag-out bilang queer.

Ang proseso ng pagtuklas ng sarili, lalo’t higit ang pagtanggap sa sariling identidad at sekswalidad ng mga miyembro ng LGBTQIA+ ay hindi madali sa Pilipinas kung saan nadidiskrimina ang tao batay sa kanyang gender. Ganoon din, masalimuot ang pakikipaglaban para sa kanilang mga karapatang pantao at mga pribilehiyo.

Sa kabila ng lahat ng ito, mahalaga na hindi natin nakakalimutan ang kalagayan ng mga kapwa nating mula sa LGBTQIA+. Kailangan nila ang mas malaking suporta. Ang pagbibigay ng ligtas na espasyo para sa kanila ay makakatulong sa pagpapalawak ng kaalaman at pagpapahalaga tungkol sa kanilang at ang kanilang mga danas. Ang pagbibigay ng tamang edukasyon at pang-unawa tungkol sa komunidad ay makakatulong sa pagpapalawak ng kaalaman at pagpapahalaga tungkol sa kanila.

Sa ganitong paraan, matutulungan natin sila sa pagtuklas at pagtanggap ng kanilang sarili bukod sa pakikipaglaban para sa kanilang mga karapatan. Sa pagbibigay ng suporta at pag-unawa sa kanila, malalagpasan nila ang mga hamon ng diskriminasyon at makakamit ang kalayaang magpakatotoo sa lipunang inklusibo at hindi mapanghusga.(Carl Balasa)

The post Pagtuklas ng sarili sa pandemya: Kwentong LGBTQIA+ first appeared on Abante Tonite.