MFC sasabak sa Singapore Academy 7’s soccer festival

Kakasa ang Makati Football Club sa JSSL Singapore Academy 7’s 2023 sa Abril 7-9.

Aalis ngayong Huwebes ng umaga ang delegasyon ng bansa na may mahigit 150 kababaihan at kalakihan na sasabak sa 7-15 divisions.

Ito ang pampitong pagsipa ng MFC sa Asia’s youth soccerfest. Asinta nilang masungkit ang pangalawang overall championship ‘Paul Parker’ Trophy’ ngayong taon at una sapul noong 2018.

Itataguyod ng JSSL Singapore Professional Academy 7s ang mga talento ng 450 team ng 17 bansa sa edisyong ito.

Ilan sa mga pambato ng ‘Pinas na mga paslit hinugot sa iba’t ibang lalawigan upang mapalakas ang Makati.

May mahalagang papel ang MFC sa paghubog ng mga batang atleta sa sport na ito sapul pa noong 1976 nang pasimulan ni dating Real Madrid Football Club player Tomas Lozano ang youth football sa bansa. (Ramil Cruz)

The post MFC sasabak sa Singapore Academy 7’s soccer festival first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments