Partehan naging isyu: Willie atras sa Viva

Hindi na umano matutuloy ang pagsasama ni Willie Revillame at ng Viva.

Ayon sa kolumnistang si Cristy Fermin, hindi pumayag si Willie sa 40 porsiyentong kaltas ng Viva sa mga kikitain ng mga concert niya sa ibang bansa.

“Hindi na matutuloy… Pati ‘yung pagpirma niya ng kontrata sa Viva hindi natuloy,” saad ni Cristy sa “Showbiz Now Na”.

“Ang kuwento ng aking source, nag-meeting na raw si Boss Vic del Rosario at si Willie Revillame. Nagkasundo na, na kukuha ng 20% ang Viva sa lahat ng kikitain ng konsiyerto ni Willie. So okay na, okay na raw, wala nang problema, pasable na kay Willie. Aba, maya-maya raw pagkatapos ng ilang araw, mayroon na naman daw kakaltasin na 20%. ‘Yung booking at saka finder’s fee. Eh ‘di 40% na,” dagdag niya.

Ipinagtanggol ni Cristy si Willie hinggil dito.

“Siya ang performer. Siya ang haharap sa tao, siya ang magpapasaya, siya ang magpe-perform. Bakit naman 60 lang ‘yung kanya,” sey ni Cristy.Bukas ang panig ng Viva at ni Willie para sa ikalilinaw ng isyu. (Issa Santiago)

The post Partehan naging isyu: Willie atras sa Viva first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments