Pinaglamayang bebot bumangon sa kabaong

Natigalgal ang ilang katao sa isang burulan nang biglang bumangon sa kabaong ang pinaglalamayang babae sa Quito, Ecuador.

Ayon kay Gilbert, na anak ng `patay na nabuhay,’ limang oras nang pinaglalamayan ang ina nang makarinig sila ng ingay mula sa ataul.

Ayon sa ulat, batay na rin sa isang video na pinost sa Twitter, makikita na ang pinaglalamayang si Bella, 76-anyos, ay inaalalayan ng dalawang lalaki habang nakahiga sa ataul na tila hinahabol pa ang hininga.

Bago ang insidente ay idineklara na ng Martin Icaza public hospital sa Babahoyo na pumanaw na si Bella noong Biyernes.

“They even gave us a death certificate,” paliwanag ni Gilbert sa video broadcast sa local media.

Sinugod sa nasabing ospital si Bella dahil sa hinalang na-stroke ito. Sa ginawang cardiorespiratory arrest, hindi umano nag-respond sa resuscitation maneuvers ang ginang kaya idineklara na ng naka-duty na doktor na pumanaw na, ayon sa pahayag ng Health Ministry ng Ecuador.

The post Pinaglamayang bebot bumangon sa kabaong first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments