Ricci walang gay boyfriend

Inurirat ni Boy Abunda si Ricci Rivero tungkol sa umano’y may gay boyfriend siya .

“Puntahan natin itong mga usap-usapan pero this is not the first time na mayroon kang gay boyfriend, matagal na ito, what will you say to this?” tanong na magaling na host sa “Fast Talk With Boy Abunda.”

Paliwanag ni Ricci hindi siya dumating sa ganoong kalalim na relasyon.

“Tito Boy sobrang laki po kasi ng respeto ko sa LGBTQ+ community, sobrang napapaligiran po ako ng part ng community na ‘yan kasi simula po noon nu’ng napasok din po ako sa showbiz industry.

“Even sa basketball naman marami po talaga akong nilu-look up in a way na ‘yung personality nila, the way the carry themselves na alam ko po mataas ‘yung respeto namin sa isa’t isa sa kanilang lahat na hindi naman po aabot sa romantic relationship,” dagdag pa niya.

Humirit pa si Kuya Boy, “And you’re straight?”

“Opo,” diretsong sagot ng basketbolista.

***

Bet niyo bang pasukin ang showbiz pero kailangang may ibubuga sa pag-arte? Sagot ‘yan ng Creative Acting Workshop .

Naging produkto nila ang BidaMan grand winner na si Jin Macapagal, Viva Recording Artist Jannah Bocatiya, Jerek Segmaton aka Carrot Man, VivaMax star Aaron Conception,

Jasper Torres, GMA artist

Jeff Francisco, Star Magic artist

Ernest Mercado Magtalas, Philippine Idol Nic Galano atbp.

Ang nasabing acting workshop ay ginagawa tuwing Sabado, 2pm sa Bohol Mansion

4th floor sa Eugenio Lopez Drive,QC.

Para sa ibang detalye tumawag kay Arlene Millima Galicia-09335782387

The post Ricci walang gay boyfriend first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments