Sanggol siniksik sa imburnal ng Bebot

Inihulog sa drainage ng isang di nakikilalang babae, ang isang sanggol kamakalawa ng madaling araw sa may Cristina St., corner EspaƱa Boulevard, Sampaloc, Maynila.

Ayon kay PSSg Teody Siguen, imbestigador ng Manila Police District -homicide section, nakakabit pa ang inunan ng baby boy, na 8 buwan na sa sinapupunan.

Nabatid sa isang 38-anyos na guro na taga-Sampaloc, Maynila, nadaanan umano niya ang suspek alas-5:30 ng umaga. Inilarawan niya itong nakaitim na t-shirt at gray na pajama na may inihulog na eco bag sa drainage.

Pagdaan niya sa imburnal, umalingasaw ang mabahong amoy mula sa ecobag kaya ipinagbigay alam niya sa barangay.

Nang maiahon at buksan ang garbage bag, nakita ang sanggol. Dinala ito sa Cruz Funeral Homes para sa safekeeping.

Kinikilala naman ng pulisya ang babaeng nagtapon nito.

(Juliet de Loza-Cudia)

The post Sanggol siniksik sa imburnal ng Bebot first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments