Vince nakiliti sa bigote ni Jay

Pinag-uusapan ang eksena nina Vince Rillon at Jay Manalo sa pelikulang ‘Hosto’. Meron silang bed scene af laplapan na eksena.

Kahit nag-ahit na si Jay ng balbas ay nakili pa rin si Vince.

Sa pelikulang “Hosto”, muling gagampanan ni Vince ang isang challenging role. Si Rillon ang tinanghal na Best Actor sa 19th Asian Film Festival sa Rome noong nakaraang taon para sa kanyang pagganap sa “Resbak” sa direksyon ni Brillante Mendoza.

Gaganap siyang si Patrick , isang mapagmahal na asawa kay Jenny (Alexa Ocampo), pero magkakaroon ito ng ugnayan sa isang gay benefactor na si Daniel (Jay Manalo) na tutulong sa kanya upang makakuha ng student visa sa Japan. Ito ang unang hakbang para matupad niya ang pangarap para sa kanyang pamilya.

Sa Japan, maraming bagay ang pinagsasabay ni Patrick. Eskwela sa umaga, trabaho sa computer shop sa hapon. Kumuha rin siya ng ikalawang trabaho na pagpapala ng niyebe. Sa kabila nito, hindi pa rin sapat ang kinikita para matustusan ang pangangailangan ng pamilya niya sa Pilipinas.

Hindi nagtagal at pinasok na rin niya ang pagiging entertainer o “hosto” sa nightclub, kasama ng kanyang bagong kaibigan na si Richard (Ali Asistio). May mga customer na gusto siyang ikama, pero ganon na ba siya kadesperado sa pera para tanggapin ang alok nilang ito?

Si Thea (Angela Morena) ang maalaga, matalino, at matulunging Pinay na nakatira rin sa hostel ni Patrick ang taong napagsasabihan niya ng kanyang problema. Isa nang Japanese citizen si Thea at may tinatagong pagtingin kay Patrick. Hindi naman inaasahan ni Patrick ang solusyong naisip ni Thea sa kanyang problema.

Paano haharapin o tatalikuran ni Patrick ang mga alok sa kanya? Ano pa ba ang dapat niyang gawin para mabigyan ng magandang buhay ang kanyang pamilya?

Mula sa direksyon ni Jao Daniel Elamparo, mapapanood ang “Hosto” sa Vivamax simula June 16, 2023. Kasama rin ditto sina Denise Esteban, Isadora, at Rey Pj Abellana. (Roldan Castro)

The post Vince nakiliti sa bigote ni Jay first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments