Andrea ayaw makipagbalikan sa taksil

Balik vlogging si Andrea Brillantes kung saan nagbigay siya ng update sa kanyang personal life sa mga tanong na ibinato sa kanya sa episode na “Life Lately.”

Aniya, hindi raw niya na-achieve ang lahat ng nasa listahan sa kanyang New Year’s resolutions tulad ng makapag-drive sa highway o mag-graduate sa school.

Ilan naman daw naman sa mga bagay na interesado siyang gawin ay ang manood ng concert o movie nang mag-isa.

Nasa bucket list din niya ang makapag-condo at mabuhay nang independent sa kanyang pamilya.

Hirit pa niya, pagkatapos daw ng kanyang pinagdaanan ay gusto muna niyang magpokus sa kanyang sarili kaya self love ang kanyang eme.

Kapag daw naman siya nabu-burn out siya ay nagba-bond siya with friends, out of town trip o kayaý namamalagi lamang sa kanilang bahay nang buong araw.

Next travel destination daw naman niya ang Paris o kayaý Japan kung saan gusto niyang i-treat ang kanyang buong pamilya.

Sa naturang vlog, naitanong din sa aktres kung ano ang masasabi niya tungkol sa betrayal.

Ani Andrea, kapag niloko na ang isang tao ay hindi na siya dapat pang nakikipagbalikan.

Dagdag pa niya, hindi raw siya naniniwala sa ikalawang pagkakataon lalo na kapag pinakitaan na siya nang hindi maganda tulad ng pagtataksil.

‘Pag trinaydor ka na, ‘wag mo nang balikan. Pinakita na niya sarili niya sa ‘yo. Hindi totoo ‘yang second chances na ‘yan. ‘Yung taong binigyan mo ng ganu’n, ‘di sila worth it. Wala na, ba-bye. Cut-off,” ani Andrea.

Ayon naman sa kanyang ate, napapansin niyang hindi na umiiyak si Andrea.

Sey ni Blythe, masaya na raw kasi siya ngayon at naka-move on na umano sa breakup nila ni Ricci Rivero.

Inihayag din ni Andrea ang estado ng kanyang puso, ang mga plano niya sa buhay partikular na ang mga nais niyang pagtuunan ng pansin bukod sa kanyang career.

“Masaya, blessed and very grateful… Happy ako guys. ‘Wag kayong mag-alala. Naka-move on na ako. Okay, sana kayo rin mag-move on na. Masaya na ako sa buhay ko ngayon,”bulalas niya.

Deklara pa niya, malaking bagay ang suporta ng kanyang mga mahal sa buhay sa kanyang healing process.(Archie Liao)

The post Andrea ayaw makipagbalikan sa taksil first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments