Chloe Mercado nanorpresa, Kendrick Bona bumida rin

Niresbakan ni Chloe Mercado ang dalawang astig ng national junior tennis circuit upang walisin ang mga korona ng girls’ singles 16- at 18-and-under ng PPS (Palawan Pawnshop) Olivarez Group I Tournament nitong linggo sa Paranaque Tennis Club at Olivarez Sports Center sa Sucat, Parañaque.

Samantalang kinumpleto ni Kendrick Bona ang magkasunod na dalawang titulo sa dominasyon sa boys’ singles side ng kaganapan makalipas ang petmalu rin sa Biñan, Laguna dalawang linggo na ang nakakalipas, binawian ni Mercado ang tumalo sa kanya na si Sandra Bautista sa pagsilat sa top seed 6-2, 7-6(3) sa semifinals at pagkalos kay doubles partner Jana Diaz sa 16-U final.

Sinustena ng alas ng Quezon City ang pamatay na porma sa pagtumba kay Bautista, 6-2, 6-2, upang hablutin din ang 18-U trophy at makipaghatian ng MVP honors kay Bona sa week-long tournament na hinatid ng Dunlop at inisponsoran ni Parañaque Mayor Eric Olivarez.

Pinigilan ng nakabase sa Bacoor, Cavite na si Diaz si Bautista ng Imus, Cavite, 6-4, 6-7(8), 10-4, sa 16-U semis pero binuweltahan ng huli ang una, 6-1, 5-2(ret,) sa 18-U Last 4 ng netfest na parte ng nationwide circuit na binuo ni Palawan Pawnshop president/CEO Bobby Castro.

Nangapa muna si Bona laban kay Tristan Licayan sa 16-U finals pero naging matinik sa decider, 4-6, 7-5, 10-7. Madaling pumoste ang mula sa Puerto Princesa ng 6-2, 6-0 panalo kay Daniel Rutines para harbatin ang 18-U diadem.

Ginimbal ni Rutines si top seed Vince Serna, 7-5, 6-7(5), 10-6, sa 18-U semis ng event na may record 304-player draw makaraan ang malaking 272-entry sa Biñan leg ng circuit.

Ang iba pang mga nagwagi ay sina Licayan ng Gen. Trias, Cavite at Maristella Torrecampo ng Los Baños (14-U, 12 singles at 18-U doubles), Anthony Castigador ng Iloilo at Sherwin Go-mos ng Zamboanga del Norte (unisex -10).

Tinaob ni Licayan si Julio Naredo ng QC, 6-4, 6-4; binambo ni Torrecampo si Alexa Cruspero ng Negros Oriental, 6-3, 6-0 sa 14-U at si Cruspero 6-3, 6-3 sa 12-U; kinalos ni Castigador ang kapwa Ilonggo na si Marben Alimarin, 6-2, 6-1; at dinaig ni Go-mos si Jairus Peralta ng Pangasinan, 4-1, 4-2.

Pagkaraan hinakbangan nina Mercado/Diaz sina Andrea Malbas/Asia Sam Malbas sa 18-U doubles final, at binaon nina Darwin Cosca/Joshua Diva sina Bona/Serna sa boys’ championship.

Pinantayan ni Torrecampo si Mercado sa three-title sa pagtambal kay Xophia Oliveros sa paghakbang kina Ayl Gonzaga/Jasmine Sardona habang tinabig nina Matthew Rodolfo/Karl Ricamara sina Samuel Davila/Joshua Stewart sa 14-U doubles finals, at hinawi nina Peralta/Andrei Torrente sina Grey Caro/Raven Licayan upang iuwi ang 10-and-U unisex doubles trophy. (Ramil Cruz)

The post Chloe Mercado nanorpresa, Kendrick Bona bumida rin first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments