Angelina mana sa kaseksihan ni Sunshine

Like mother, like daughter.

Ito ang sinasabi ng marami tungkol sa panganay na anak nina Sunshine Cruz at Cesar Montano na si Angelina Isabelle. Siya ay 21 years old na ngayon.

Sa mga Instagram page ni Angelina ay makikita rin ang kanyang mga bikini photo at ngayon pa lang ay marami na ang nagsasabi na mukhang siya ang nagmana ng pagka-sexy ng kanyang ina.

Hindi lang ang beautiful body nga ang nakuha ni Angelina sa mommy niya kungdi maging ang magandang mukha. Magkahawig na magkahawig sila, sa totoo lang.

Anyway, sa photo na ipinost ni Angelina na kuha sa Bali, Indonesia ay makikita siyang naka-green two-piece bikini .Marami ang napa-wow including Ruffa Gutierrez.

Matatandaang kasama nina Sunshine and 3 daughters sina Ruffa at dalawang anak din nitong sina Lorin and Venice noong magbakasyon sila sa Bali, Indonesia. Ang mga anak ng dalawang aktres ay pawang magkakaibigan.

Komento nga ni Lorin sa post ni Angelina, “I have sepanx” na sinagot naman ng anak ni Sunshine na “I have the worst sepanx.”(Vinia Vivar)

The post Angelina mana sa kaseksihan ni Sunshine first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments