Magkasosyo sa isang production sina Sylvia Sanchez, Ria Atayde, at Lorna Tolentino sa kauna-unahang pagkakataon.
Ito’y sa internationally acclaimed Japanese drama na ‘Monster’ na nakatakdang ipalabas sa Oktubre.
Nagsimula ang partnership nina Sylvia, Ria at Lorna sa Nathan Studios noong nagsama- sama silang bumiyahe sa Cannes Film Festival sa France. Ito’y para sa espesyal na screening ng ‘Topakk’ na pinagbidahan ni Arjo Atayde at dinirek ni Richard V. Somes.
Bumili sila ng mga pelikulang ire-release para sa theatrical showing dito sa Pilipinas.
Isa na diyan ang pelikulang ‘Monster’ na dinerek ni Hirokazu Kore-eda.
Tampok sa ‘Monster’ ang mahuhusay na Japanese actors gaya nina Sakura Andō, Eita Nagayama, Sōya Kurokawa, Hinata Hiiragi, at Yūko Tanaka.
Umiikot ang istorya ng ‘Monster’ sa isang pamilya na humaharap sa pagsubok laban sa pambu-bully. Sinusulong nito ang kahalagahan ng malusog na pag-iisip o ng mental health.
“Kakaiba itong pelikulang ito,” ayon kay Sylvia na kilala para sa kanyang powerful performances bilang isang ina sa pelikula at telebisyon.
“Mahilig akong manood ng pelikula at sa dinami-dami ng aking napanood, isa itong ‘Monster’ .Talaga namang dumurog ng todo sa puso ko bilang isang ina.”
Ayon naman kay Ria, na tumatayo bilang President and CEO ng Nathan Studios, isa ang Monster sa mga uri ng pelikula na angkop sa personalidad at mission-vision ng kanilang kompanya.
“We are really aspiring and working very hard to offer cutting edge content that would challenge the minds and touch the hearts of viewers,” aniya.
Ang Nathan Studios ang nasa likod ng mga dekalidad na proyekto gaya ng ‘Cattleya Killer’ na mapapanood ngayon sa streaming platform na Amazon Prime Video. Ganoon din ang ‘Topakk’ na isang action-thriller genre film na kasalukuyang umiikot sa mga iba’t-ibang prestihiyosong international film festivals sa iba’t-ibang panig ng mundo gaya sa Switzerland, Japan, at Amerika.
Sey naman ni Lorna, mahalaga at napapanahon ang mensahe ng ‘Monster.’
“Dapat talagang ma-address natin ang laban sa bullying at ang pagpapalaganap ng malusog na pag-iisip para sa lahat ng tao, bata man o matanda.”
Aminado ang tatlong premyadong aktres na malaki ang naging epekto sa kanila ng ‘Monster.’ Talagang pinukaw at dinurog ng pelikulang ito ang kanilang mga puso.
“Isa na ito sa pinakamagandang pelikula na napanood ko. Mapapaisip ka talaga kung sino ba talaga ang Monster,” paglalarawan ni Sylvia.
Ang naturang pelikula ay lumaban para sa Palm d’Or sa katatapos lamang na 76th Cannes Film Festival. Nasungkit ng pelikula ang Best Screenplay award.
Bilang isang mga magulang at in
Ipalalabas ang ‘Monster’ sa mga sinehan sa buong bansa sa darating na Oktubre 11.
The post Sylvia, Ria, Lorna dinurog ng ‘Monster’ first appeared on Abante Tonite.
0 Comments