Elle , Derrick target ng power trip

Patok ang bardagulan sa ‘Makiling’ na pinagbibidahan nina Elle Villanueva at Derrick Monasterio. Gigil na gigil na rin ang mga viewer sa pang-aapi nina Kristoffer Martin, Myrtle Sarrosa, Royce Cabrera, Teejay Marquez, at Claire Castro o ang Crazy 5 sa serye.

Patunay dito ang pataas nang pataas na ratings ng nasabing revenge drama. Pero tila nagsisimula pa lang ang mga maiinit na eksena. Tuloy ang pagli-level up ng pambu-bully kay Amira (Elle) ng Crazy 5. Pati si Alex (Derrick), magiging target ng power trip ni Seb (Kristoffer).

Kung ang kapatid ni Amira na si Rose (Thea Tolentino), mukhang natuto nang makisabay sa mga taga-Maynila, sila Amira at Alex, parang lalamunin ng buhay ng lungsod.

Pero para sa tatay na may sakit at para rin mapag-aralan ang misteryosong halamang Mutya, laban lang ang ating bidang si Amira.

Excited na nga ang viewers sa mas matitindi pang bardagulan sa pagitan ni Amira at Portia (Myrtle). Isama pa dyan ang away ng magkapatid na si Amira at Rose. Di rin pahuhuli ang tapatan nina Alex at Seb, ha!

Napapanood ang ‘Makiling’ tuwing 4PM sa GMA Afternoon Prime. (Roldan Castro)

The post Elle , Derrick target ng power trip first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments