Higit 2M Pinoy tambay pagpasok ng bagong taon – PSA

Nagkaroon ng pagtaas sa bilang ng mga Pilipinong walang trabaho pagpasok ng bagong taon, ayon sa ulat ng Philippine Statistics Authority (PSA) nitong Biyernes, Marso 8.

Base sa nationwide survey ng PSA, mayroong 2.15 milyong Pilipino ang walang trabaho noong Enero 2024, o pagpasok ng unang buwan ng bagong taon.

Mas mataas umano ang naturang bilang ng 4.5% kumpara sa mahigit 1.60 milyong walang trabaho na naitala noong Disyembre 2023 o 3.1%.

Sabi ni PSA Undersecretary Dennis Mapa, lumiit ang labor force sa 48.09 milyon noong Enero kumpara sa Disyembre at bumaba rin ang labor force participation rate.

Dagdag pa ng opisyal na marami ang nabawas na trabaho sa wholesale and retail trade pati na sa ilang subsector sa transportasyon.

Paliwanag niya, humina ang mga bazaar noong Enero kumpara sa buwan ng Disyembre na maraming mga bazaar.

Nabawasan din aniya ang nagtatrabaho sa mga transport network vehicle service, pati na taxi at van drivers noong Enero kumpara sa Disyembre na kasagsagan ng demand para sa mga serbisyo nito.

Karamihan sa mga nawalan ng trabaho o 915,000 ay nasa edad 15-24, at 590,000 naman ang nawalan ng hanapbuhay sa edad na 25-34. (Eileen Mencias)

The post Higit 2M Pinoy tambay pagpasok ng bagong taon – PSA first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments