Lakbay Alalay’ ng DPWH aarangkada ngayong Semana Santa

Sinimulan na ng Department of Public Works and Highways-Region 1 (DPWH-R1) ang pagpapatupad ng “Lakbay Alalay” para umagapay sa mga motorista ngayong Holy Week.

Ayon kay DPWH-R1 regional director Ronnel Tan, ipapakalat ang uniformed DPWH team sa mga strategic na lugar sa rehiyon sa loob ng 24-oras mula Marso 28 hanggang 29.

Aniya, binabantayan ng Maintenance Division ng DPWH-R1 ang DPWH-Emergency Operation Center.

Nakaantabay ang quick response team ng Equipment Management Division para magbigay ng assistance sa mga magkaka-problemang motorista.

“Siguraduhin na maayos, malinis, hindi nakakaabala at huwag maging dahilan ng traffic ang ating mga daan itong Holy Week ” ani Tan sa press conference ng DPWH-R1 sa San Fernando City, La Union.(Allan Bergonia)

The post Lakbay Alalay’ ng DPWH aarangkada ngayong Semana Santa first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments